(Hong Kong, Hulyo 20, 2012) Nakatakdang mag-usap sa isang pulong ang mga mambabatas mula sa iba’t ibang bansa sa Asya para pag-usapan ang mga paraan paano matigil ang malawakang praktis ng tortyur sa kani-kanilang bansa. Ang tatlong araw na pulong ay gaganapin simula bukas, Hulyo 21, sa Kowloon, Hong Kong.
Ang meeting na ito ay isang napaka-importanteng hakbang tungo sa pagpapatupad ng United Nations’ Convention against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment or Punishment (UNCAT).
Mga mambabatas mula sa Bangladesh, India, Indonesia, Nepal, Pakistan, Pilipinas at Sri Lanka ang kumpirmado nang dadalo sa pulong. Dadalo din ang ilang mga prominenteng aktibista na nagsusulong ng karapatang pantao na galing sa timog at timog-silangang bahagi ng Asya para makibahagi.
Ang naturang pulong ay pinangungunahan ng Asian Alliance against Torture and ill-treatment (AAATI). Ang AAATI ay itinayo noong Hulyo 2011, kung saan ilang grupo ng aktibista ng karapatang pantao mula sa iba’t ibang bansa sa Asya ay natipon-tipon sa pangunguna ng Asian Human Rights Commission (AHRC), Hong Kong, at ng Rehabilitation and Research Centre for Torture Victims (RCT), Denmark. Ang adhikain ng grupo ay para magkaroon ng batas laban sa tortyur sa Asya ayon sa nakasaad sa UNCAT at upang masiguro na epektibo ang pagpapatupad nito dahil ang naturang batas ay importante upang ma-proteksiyonan ang isang tao mula sa tortyur at hindi maka-taong pag-trato.
Si John Clancey, pinuno ng AHRC, ay magbibigay ng paunang salita, at si Dr. Jan Ole Haagensen, direktor ng International Department of RCT, ay magbabahagi din kung ano ang buod ng pag-uusapan na siya ring magiging pamamaraan at stratehiya para sa epektibong pagpapatupad para itgil ang tortyur sa Asya. May iilang myembro din mula sa komunidad sa Hong Kong na nagsusulong sa usapin ng karapatang pantao na dadalo. Ang mga inimbitang mambabatas mula sa kanilang bansa ay magbabahagi din ng kani-kanilang pananaw sa naturang usapin na siya ring pag-uusapan sa pulong.
Si Ole Espersen, isang Propesor at dating ministro ng kagawarang ng hustisya sa Denmark, ay nagpaabot na ng kanyang pagbati sa mga dadalo sa naturang konperensiya. Sinabi nitong: “ang karapatan na hindi ma-tortyur ay hindi makatutuhanan kung wala itong kaakibat na epektibong remedyo para sa mga biktima sa pamamagitan ng isang legal na mekanismo upang maparusahan ang may kagagawan at magkaroon ng remedyo ang mga biktima (right not to be exposed to torture is in fact no real and genuine right if it is not combined with an effective remedy for the victims to make use of a legal machinery to have what the victim had to suffer redressed and guilty persons punished).” Dagdag pa nito, winika ni Propesor Espersen na “ang may pangunahing responsibilidad para sa isang pambansang pakikibaka laban sa tortyur at iba pang paglabag sa karapatang pantao ay nasa mga mambabatas at ang gobyerno nito (ultimate responsibility for the national fight against torture – and all other human rights violations, rests with the parliament and the government in each country).”
Ang pulong na ito ng mga mambabatas mula sa Asya na ang layunin ay paguusapan ang mga posibilidad kung paano matigil ang tortyur ay isang napakalaking hakbang.